Monday, April 25, 2016
Sa paglipas ng panahon, unti-unting nababahiran ang magandang sistema ng MLM Industry ng di kanais-nais na practice o unethical practice ng mga kasapi nito. Gaano man ka-legitimate ang isang company at gaano man kaganda ang sistema nito, hindi parin maiwasan na magkakaroon ng issue o problema along the way na tumatakbo ang negosyo. Dahil dito, malaki ang nagiging epekto nito sa industriya habang lumilipas ang panahon.
Alam natin na sa umpisa ay hangad ng isang MLM company ang pagiging number 1 at magandang track record para makakuha ng mga awards at ISO certification. Kapag nakuha na ng company ang goal nito at nasa rurok na ng tagumpay ay saka naman mag-ti-take advantage ang mga oportonista sa maling paraan.
Bakit nga ba nangyayari ito? Lahat ba ng MLM company ay humahantong sa ganitong sitwasyon gaano man ito ka-legitimate? Maiiwasan mo ba ang mga ito?
Pag-usapan natin…
"Nung nakaraang araw, habang nasa bahay ako at nasa harap ng computer at nagbabasa ng mga facebook feeds, may isang kaibigan na biglang nag-private message sa ‘kin. Kinumusta nya ako at sabi nya mag-meet kami kapag may time ako dahil may pag-uusapan daw kami na importanteng bagay sa negosyo. Pinagbigyan ko sya at nag-meet kami sa isang restaurant sa Megamall sa Ortigas. Nung nag-uusap na kami ay kinuwento nya sa ‘kin lahat ng nangyari sa buhay nya nung hindi na kami nagkikita at ‘yung di magandang nangyari sa MLM business nya. Nagulat talaga ako sa mga nangyari at may ganun palang sistema ang company nya dati. Pinabasa nya rin sa ‘kin ang mga masasakit at maseselang salita at mga pagmumura at pagbabanta ng kanyang sponsor o ‘yung taong nag-direct sa kanya sa business. Nangyari ito nung nalantad sa kaibigan ko ang mga anumalya at immoral na practice sa negosyo ng kanyang sponsor dahil sa pagsusumbong sa kanya ng isa sa kanyang mga ka-partner sa negosyo. Dahil dito, nag-desisyon akong makipagtulungan sa kanya para masolusyonan ang ganitong problema. Sa tulong ng isang God and principle-centered MLM company na nag-offer sa kanya ng magandang sistema, dun ko nalaman na may ganung legit MLM company na simple ang sistema, walang bahid ng immoral practice ng mga business partners, sustainable and systematic ang marketing plan, educated gumalaw ang mga kasapi, may marketable and high quality but low-priced products…naiiba sa lahat dahil walang pressure, may quality trainings, walang paweran na nangyayari at katotohanan ang pina-practice, higit sa lahat mga batikan na sa larangan ng multi-level marketing ang nagpapatakbo nito ng matagal na panahon."
Yes, it’s TRUE! I was so amazed when we discussed with each other about the company plan and the system.
Pakiusap sa mga ka-partner natin sa MLM business na hanggang ngayon gumagawa parin ng maling sistema o taktika at immoral na praktis, itigil nyo na ‘yan. Gumawi tayo ng tama at patas dahil nasisira ng husto ang MLM industry at nadudungisan ang sistema nito. Isipin sana natin ang kapakanan ng 97% na bilang ng mga failure sa networking. Makakaya ba ng konsensya mo na ang 1 tao nagka-tseke sa networking dahil sa expense ng 100-katao na hindi kumikita? Common guys, wag nyong lokohin ang sarili nyo! Maawa kayo sa mga hindi kumikita. Di ba ang networking ay “people helping people business”? Nasaan na ngayon ang helping people kung sarili mo lang ang iniisip mo?
Madalas itong nangyayari sa isang legit MLM Company based on my observations. Why? Dahil sa kasakiman ng isang indibidwal na walang ibang iniisip kundi yumaman ng pabilisan at walang respeto sa buhay at karapatan ng kanyang kapwa. Don’t get me wrong but take this as a challenge and healthy tips! Hindi ko alam ang WHY nyo bakit kayo nag-networking but please stop doing unethical practice that leads to SCAM! Learn how to be fair…and educate yourself with basic skills and wisdom para magawa ang negosyo ng TAMA. Act as a professional one dahil maraming buhay ang nasisira. Lahat ng MLM Company gaano man ka-legitimate, baguhan man o matagal na sa industriya ay pwedeng humantong sa ganitong gawain ang kanilang mga investors o business partners. Pinoy networkers please do observe and practice your company rules and regulations accordingly! Para naman sa atin yan. Maiiwasan natin ang mga problema hangga’t maaga pa kung magiging professional tayo sa career na pinili natin at maging patas lumaban. Be responsible enough dahil big time business ang dinadala natin. Lagi sana nating tandaan, buhay ang babaguhin nito kaya buhay din ang masisira kapag hindi natin ito ginawa ng tama.
Sana may natutunan kang aral sa post na ‘to para magamit mo ng tama ang resources ng networking. Wag mo kalimutang mag-like at mag-comment.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment