Success isn't about how much money you make. It's about the difference you make in people's lives.

Wednesday, April 27, 2016

On Wednesday, April 27, 2016 by Kuya Sid in ,    No comments
Myoma ang pinaka-common na benign tumor sa mga kababaihan.Uterine leiomyoma ang tawag namin dito. Ang tumor na ito ay binubuo ng mga muscle tissue, kadalasan ay marami ito at bibihira lang ang isa o isolated tumor. Madalas na makita ito sa katawan ng matris subalit puwede rin sa kuwelyo ng matris (cervix).

Ang myoma ay nakikita sa humigit-kumulang na 30% ng mga babaeng lampas na sa edad 35 at bihira lang na nauuwi ito sa cancer, mga 0.1% lang. Hindi pa alam kung ano ang tiyak na sanhi nito, subalit sinasabing ang hormonang “estrogen” at “human growth hormone” ang nagdudulot ng tumor. Ang teoriyang ito ay pinaniniwalaan sapagkat napansin ang maraming amount ng astrogen lalo na kapag nasa later stage na ng pagbubuntis, ay nagdudulot ng paglaki ng tumor. Kadalasang lumiliit at nawawala ang myoma kapag nag-menopause na ang isang babae (kung kalian maliit na rin ang produksyon ng kanyang estrogen).

Isa sa senyales na may myoma ang isang babae ay ang pagdurugong madalas (na akala mo ay madalas na pagreregla) at kung minsan ay may kasama ring dysmenorrheal o pananakit ng puson. Makararamdam lang ng sakit kung nag-twist ang tumor.Karaniwan ay nasasalat ang myoma kapag ineksamin ang tiyan at makukumpirma ito sa pamamagitan ng ultrasound.

Ang paggagamutan ng myoma ay depende sa sintomas, sukat, edad ng pasyente, lokasyon ng tumor, kung buntis o hindi, kung ilan na ang anak o may pagnanais na magkaanak at kabuuang kalusugan.

Puwede naming i-monitor ang paglaki ng tumor o kaya’y sumailalim sa operasyon kung masyado na itong malaki at ‘di na komportable ang pasyente.
- Sabi ni Doc (Bulgar) ni Shane M.Ludovice, M.D




0 comments:

Post a Comment