Success isn't about how much money you make. It's about the difference you make in people's lives.

Wednesday, April 27, 2016

On Wednesday, April 27, 2016 by Kuya Sid in , ,    No comments
Sa pagbubuntis ay kinakailangan na siguraduhin mo na may sapat na bitamin ang iyong katawan para masiguro na okay ang sanggol sa iyong sinapupunan. Ang mga gulay at prutas ay mga mainam na pagkain na may sapat na sustansya para sa mga pregnant mom. At upang makasiguro na may sapat na vitamins ang iyong katawan, ito ang ilan sa mga supplement na mainam din sa pagbubuntis:



 1. Nirerekomenda ang pag-take ng 400 mcg na Folic Acid araw-araw hanggang sa ika-12 weeks ng pagbubuntis. Ang nagbubuntis ay makakaiwas sa depekto sa spinal cord ng baby na napag-alaman na may kinalaman pala sa antas ng Folic Acid.

2. Nirerekomenda din ang pag-inom ng 10 mcg na Vitamin D araw-araw sa buong siyam na buwan na pagbubuntis hanggang sa pagpapasuso sa bata. Sa paraang ito ay mabibigyan ng sapat na Vitamin D ang baby, ang bitaminang nakakatulong sa paglaki ng mga buto-buto at iba pa. Ang vitamin D ay nakukuha rin sa pagpapaaraw ng balat pero kung ikaw ay taong-bahay, mainam na uminom ng supplement na Vitamin D.

Ang mga doktor na ang nagsasabing  ang dalawang bitamina na rekomendadong inumin ng mga nagbubuntis.Bagamat may ilan pang vitamin na angkop din para sa mga nagbubuntis. Ilan sa mga ito ay pag-inom ng iron tablet na mainam para sa mga buntis na anemic o may kakulangan sa hemoglobin ng dugo na maaaring dulot ng kakulangan sa iron. Mainam din ang Vitamin C na maaari namang makuha sa pagkain ng mga prutas at gulay.

Isa-alang-alang din na hindi rin maganda ang sobrang bitamina para sa mga buntis. Halimbawa ang Vitamin A ( retinol ) na makikita sa mga anti-acne cream na may tretinoin ay hindi mainam na mapasobra dahil ito ay makakasama sa kalusugan ng sanggol. Inirerekomenda na palagiang komunsulta sa OB-GYN para sa kaalamang bitamina at mineral para sa pagbubuntis.

source: kalusugan.ph




0 comments:

Post a Comment