Success isn't about how much money you make. It's about the difference you make in people's lives.

Wednesday, April 27, 2016

On Wednesday, April 27, 2016 by Kuya Sid in , ,    No comments
Hindi nga namang magandang tignan ang mga patsi-patsing puti sa ating balat, sa likod man o sa iba pang parte ng katawan o sa ating mukha. Tinea flava ang tawag natin dito o mas kilala sa sa layman's term na an-an. Ito ay dala ng fungus na Malasseria Furfur. walang katotohanan na ang mga nagkakroon ay ang marurumi  lamang sa katawan, kahit sino ay pwedeng tubuuan ng an-an.

Dalawang klase ng an-an, 'yung isa ay puti ang kulay na madalas na makita sa mga taong medyo maitim ang balat at an an na kulay brown at hype pigmented patches ang tawag dito na madalas naman makita sa mga taong medyo maputi ang balat.

Ginagamot ang an-an  ng pag inom ng anti fungal tablet klasepikadong ketoconazole. Ang pag inom dito ay isang beses isang raw pagkatapos maligo sa loob ng dalawang linggo. Nakakatulong din ang selenium sulfide solution na ipinaphid sa apektadong lugar sa gabi matapos maligo at magpatuyo  ng katawan at babanlawan kinaumagahan. Maaring gamitin ito dalawang beses isang linggo sa loob ng apat na linggo. Mabisa rin ang paggamit ng sufur soap para sa an an yung ipinapahid na anti fungal cream.

Ipinapayo ko rin ang pagpapatingin sa isang dermatologist para makasigurado kung an an nga yan bago magpasimula ng anumang gamutan.

source: Bulgar Sabi ni Doc Ludovice




0 comments:

Post a Comment