Wednesday, April 27, 2016
Ayon sa mga mananaliksik, ang paghihilik ng mga kababaihang may edad na at hindi maipaliwanag ang antok nilang nararamdaman sa umaga kasabay pa ng labis na pagbigat ng kanilang timbang ay sinasabing dahilan ng Obstructive Sleep Apnoea na isang uri ng karamdaman na naghihirap sa paraan ng paghinga ng isang tao sa tuwing siya ay natutulog.
Base sa mga eksperto, sa tuwing natutulog ang isang tao, ang kanyang airways o daanan ng hangin ay natural na nare- relax at nagiging makitid. Sa pagkakaroon ng isang tao ng karamdamang tulad ng apnoea, ang muscle at soft tissue na nasa paligid ng dinadaaanan ng hangin sa tuwing tayo ay humihiga ay labis na nare- relax at nagko-collapse upang magkaroon ng bara sa daanan ng hangin. At dahil sa pakitid nang pakitid ng daan ay nagaganap na ang nasabing ingay na kilala sa tawag na hilik.
Ang nasabing presensya ng hilik ay simula pa lang ayon sa mga mananaliksik, kung hindi mapipigilan ang nabanggit na karamdaman ay tuluyan ng magbabara ang daaanan ng hangin at hindi na makahinga pa ng tuluyan ang taong naghihilik sa loob ng 10 segundo o higit pa na nauuwi sa paghabol ng hininga hanggang sa magsimula na naman ang utak na iproseso ang tamang paghinga.
Ayon sa mga eksperto, kahit hindi naman gising na gising ang isang tao ang utak, ang syang gagawa ng paraan sa tuwing nagkakaroon ng naturang bara sa sinasabing daanan ng hangin na siya lamang ang nagiging dahilan kung bakit minsan ay sobrang pagod na pagod ang pakiramdam ng isang tao sa umaga at gusto ulit matulog.
Ayon kay Adrian Williams, Professor of Sleep Medicine sa King's College London, ang matagal na pagpapabaya sa epekto ng sakit na obstructive sleep opnoea ay maaring mauwi sa high blood pressure, 2 types of diabetes, atake sa puso at stroke.
Kaya naman ang paghilik ng isang tao ay hindi dapat pagtawanan, minsan maging sensitibo rin dapat, hindi n'yo alam na malalang karamdaman na pala ang dala nito kaya dapat hinay- hinay din at ugaliing alamin ang nararamdaman sa inyong katawan, okey?
source: bulgar.com.ph

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment