Success isn't about how much money you make. It's about the difference you make in people's lives.

Wednesday, October 15, 2014

On Wednesday, October 15, 2014 by Kuya Sid in    1 comment

Gumising tayong lahat sa katotohanan. Hindi madali ang network marketing. Hindi din totoo na 2 lang ang kaylangan mo at pagkatapos, ay uulanin ka na ng residual income after a couple of months. Tigilan na natin ang pang uuto na 'to. It doesn't take 2, It doesn't take 3, It doesn't take 10 It doesn't take even 50. Because it takes many. You need to have atleast hundreds of active distributors under your organization para maramdaman mo na talaga ang pasok ng income galing sa network marketing business mo.

In this article, I will give you 7 Network Marketing Tips na magagamit mo para mas mapabilis ang pagkakaron mo ng resulta para sa iyong business. Straight to the ponit ang mga tips na to, walang halong pang papump ng emotion mo. I will tell you what you need to hear and not what you want to hear. These tips ay para lang sa mga gusto talagang maging successful at gustong magkaresulta na handang malaman ang totoo. Are you ready? Here's the 7 Network Marketing Tips For Pinoy Networkers...


Pinoy Network Marketing Tips #1  Have an Entrepreneurial Mindset
Oo pwede mong maabot ang time at financial freedom sa network marketing pero ang masaklap na katotohanan, napakarami ang hindi kumikita at hindi nagiging successful na mga networkers. Karamihan kasi ay tinuturing ang kanilang business as part time. Oo pwede kang kumita ng part time income but you need to treat your business as a real business.

Kaylangan mong maintindihan na walang business na sinimulan mo ngayon at bukas successful na. Pag ganito ang mindset mo, di ka pa nagsisimula failure na kagad ang aabutin mo....

Kaylangan mo ding maging persistent. Ang problema, karamihan ay sumusuko kagad mareject lang ng ilang beses. O kaya naman, di lang kumita ay talon kagad ng ibang company. They fail to treat their network marketing business as a REAL business.

As a network marketer, kaylangan meron ka ding specific goals na pang long-term at short-term success. Isipin mo kung ano ang mga gusto mong maachive 3 Months from now, 6 months from now, after a year, after 5 years, etc...

Developing skills and increasing knowledge through education is very very important too. Para kahit ano pang mangyaring problemang 'di inaasahan sa business, company o mga downlines mo, kung nakapag-develop ka na ng mga neccesary skills para maging successful sa network marketing, handa ka sa ano mang mangyayari at handa ka sa mga challenges na kakaharapin mo.

Dapat lang din na passionate ka sa ginagawa mo, kaylangan mong i-enjoy ang iyong business para kahit may mga pagsubok, hindi ka kagad matutumba.

Pinoy Network Marketing Tips #2  Target the Right People

Oo maganda na simulang alukin at iprospect pagpasok mo sa MLM ay yung iyong kaibigan at kamaganak. Specially kung first time mo sa networking. Ito ay dahil may relasyon ka na sa kanila may chance na makikinig at magtitiwala sila sa inooffer mo. But most of the time, karamihan sa kanila ay hindi magiging interesado. In fact karamihan sa kanila ay negative at ididiscourage ka pa. At mabilis din na mauubos at makakausap mo na lahat ng nasa warm market mo.

The secret to finding key leaders in your organization is by looking or by targeting the right people. Kaylangan mong matuto kung paano matarget ang mga high quality na mga prospects. Kapag lumabas ka sa kalsada at kumausap ng mga kung sino sino lang, you are talking to wrong group and untargeted people. Targeting the wrong group of people ay nakaka burn out, magastos at hindi effective. Kung gusto mong matutunan kung sino ang mga tamang tao na kinakausap mo, read books like magnetic sponsoring and attraction marketing blueprint.

Network Marketing Tips #3  You need to have a System

Gusto mong lampasan ang mga kakumpitensya mo? Leverage a proven MLM Marketing System. A tested system practically gives you a step by step action to take and list of tools to use. It gives you successful strategies na pwede mong magamit para magkaron ng duplication sa organization mo, and ultimately explodes your income.

Pwede ka ding mag develop ng sarili mong MLM System, siguraduhin mo lang na nakapatern ito sa mga system na ginawa ng mga successful marketers. I don't recommend the old system na invite explain recruit. Why? On the surface muka syang duplicable. Andali nga lang naman gawin. But the reality, most uplines who teaches these approach didn't make it big by doing what they are teaching. Interesting huh?

Make sure to have a REAL duplicable and effective MLM System or you could be wasting your valuable time and energy on something that does not work.


Network Marketing Tips #4  Position Yourself as a Leader

Lahat ng mga nakaka-achieve ng tremendous success sa industry na 'to ay mga leaders. Kaylangan mong matutunan kung paano maglead at kaylangan mo ding idevelop ang mga downlines mo as leaders. Kung gusto mo na lumaki ang checke mo, kaylangan mo talagang mag step up at mag lead ng iyong group.




Network Marketing Tips #5  Find a Coach

Di ko alam kung ginagawa mo ba ang business mo ng solo flight o may naggaguide ba sayo, o napabayaan ka na ng upline mo, pero napaka importante na may maggaguide sayo na may knowledge at experience kung paano gagawin ang pag market ng iyong business ng tama at ng mas effective. It is so important to ask for advice from experienced network marketers who are creating the results you want. Marami kang matututunan sa mga taong 'to. A mentor can also provide you with the tips and tools na kaylangan mo para magkaron ka ng resulta.


Network Marketing Tips #6  Leverage the Power of The Internet

Sa potential ng Internet, dapat lang na gamitin mo talaga para sa iyong business. Dahil internet, kaya mo ng makakapag palaki ng network mo sa malalayong lugar at kahit pa sa ibang bansa na hindi umaalis ng iyong bahay. Di tulad sa pure offline approach na kung saan-saan ka makakarating at limpak limpak na pera ang gagastusin mo bago ka makapag build ng network na nationwide o international.

Ngayon pwede ka nga mag host ng webinars para sa iyong business presentations and even team trainings. You can create a group page in facebook dedicated for your team. You can upload video trainings to train your downlines. At napaka rami pang iba.

The bottom line: if you are not using the internet for your network marketing business, napakalaking potential ang sinasayang mo. 


Network Marketing Tip #7 - Take Massive Action Daily

Yes tama ang nabasa mo. Massive action. Ibig sabihin, hindi pa petiks petiks lang. Kaylangan gumawa ka ng productive action like follow up, presentation, and closing in a day to day basis.
Eto ang problema, most networkers ay masyadong natuwa sa idea na "ikaw ang boss" pag nasa networking ka. Kaya ginagawa lang nila ang business nila sa tuwing gusto nila, kapag nakatingin si upline.

Ang gawin mo, ay itrato mo ang business mo na parang trabaho. Anong ibig kong sabihin dito?... Isipin mo na kapag walang kang ginawa sa araw na to ay wala kang commission na makukuha. Isipin mo na kapag umabsent ka sa business mo ay maaari kang ma tanggal. Bakit mo gagawin to? Dahil kaylangan mo ng disiplina. Gawin mo ang negosyo mo araw araw kahit walang magsabi sayo, kahit walang nag momonitor sayo. Kaylangan mong maging accountable sa business mo dahil wala namang aabot ng mga goals at pangarap mo kundi ikaw lang din. Hindi mo pwedeng iasa ang success mo sa uplines o even sa downlines mo. Kaylangan mong umaksyon at kaylangan mong tulungan ang mga kagrupo mo. Again this is a matter of stepping up as a leader.


Kung may mga natutunan ka sa post na 'to. 
Feel free to post your comments below, I would love to read them.



source: eduardreformina

1 comment:

  1. Nice work and great style of presenting information about the Internet Marketing it's good work. Network Marketing

    ReplyDelete