Monday, October 13, 2014
On Monday, October 13, 2014 by Kuya Sid in business No comments
First, ikwento mo sa kanila ang analogy na 'to:
"Alam mo partner, maraming sumasali sa ganitong klaseng negosyo na ang akala pagkasali nila ay kikita kaagad sila ng malaki o magiging milyonaryo na sila kahit wala silang ginagawa.
Dun sila nagkamali. It takes time, effort and consistency to become successful in network marketing.
Akala kasi ng marami ay parang Monggo ang business nila, na kapag itinanim nila kinabukasa o sa makalawa ay tutubo na at pwede na kagad kainin.
Mali yun!
Itong business natin ay parang puno ng Mangga!
Kasi magsisimula ang lahat sa itatanim mong buto. Tapos kaylangan araw-araw mong didiligan yung tinanim mong buto. Paaarawan mo din at kung minsan ay kakausapin mo pa. Medyo maghihintay ka ng matagal.
Minsan babagyuhin pa yung tinanim mo, pero kaylangang wag mong hahayaang tumuba yun. Kaylangan mo yung protektahan.
Pero eto yung maganda, Kapag tumubo na at kapag namunga na yung tinanim mong mangga, ang gagawin mo na lang ay mamitas ng bunga at kumain hanggang sa gusto mo.
At ang pinaka malupit, kahit busog ka na sa kakakain, mamumunga parin ng mamumunga yung puno mo.
Ganun din dito sa business natin partner.
Kung iilan-ilan pa lang ang downlines mo, Kung di mo pa nakikita yung results na gusto mo, Ibig sabihin kakatanim mo pa lang ng buto. At kaylangan mo din na araw-araw gumawa ng effort para diligan yung tinanim mo, para tuloy tuloy ang paglaki ng negosyo mo.
Minsan babagyuhin din yung negosyo mo dahil may mga challenges na dadating sa'yo pero dapat 'di ka hihinto at hindi ka susuko. Dahil pag ginawa mo yun tutumba talaga yung tinanim mo at hindi na yun magiging isang malaking puno.
Pero pag dumating yung panahon na lumago na at namunga na ang negosyo mo, alam mo na siguro yung mangyayari. Maghanda ka na ng madaming bagoong kasi mabubusog ka sa kakakain ng mangga. :)
2nd way to motivte your downlines turuan mo sila ng mga gagawin nila kung paano sila magkakaron ng resulta. Hindi kaylangang biglaang resulta, kahit paunti unti lang na resulta. Ang imortante ay may makikita silang PROGRESS sa business na pinasukan nila. Kasi kapag wala silang nakikitang progress sa business nila, mataas talaga yung chance na huminto sila at mag-quit.
Pero paano mo magagawa yun? Kaylangan you can walk the talk. Ibig sabihin kaylangan ikaw muna ang magkaresulta.
*PS - Anong masasabi mo sa istorya na nabasa mo? OK ba? Let me know what you think by putting your comment below!
source: eduardreformina
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment