Success isn't about how much money you make. It's about the difference you make in people's lives.

Sunday, September 13, 2015

On Sunday, September 13, 2015 by Kuya Sid in , , , , ,


SORE EYES
Ni Dr. Willie T. Ong 

Note:
HINDI gamot ang gatas ng ina, calamansi at iba pa.

Magpatingin sa inyong Eye doctor o opthalmologist, para sa tamang gamot.

Alam n’yo ba na nakahahawa ang sore eyes? 

Bawal humalik o makipagkamay sa taong may sore eyes. Ang mga gamit na tulad ng tuwalya, unan at salamin ay dapat hugasan din ng maigi. Kapag humawak ang isang may sore eyes sa pintuan, computer o refrigerator, puwedeng manatili doon ang bacteria at makahawa ng iba.

Ang tawag sa sore eyes ay Acute Conjunctivitis. Ang ibig sabihin ay may virus o bacteria ang mata. Ang pangkaraniwang bacteria ay ang Chlamydia at Staphylococcus, ang kanilang mata.

Mapula at namamaga ang talukap ng mata ng may sore eyes. Minsan isang mata lang, pero mabilis mahawa ang kabilang mata. Puno rin ng muta at nana ang mga mata. Dahil makati ito, lagi itong pinupunasan, at tuloy ang kamay nila ay punong-puno ng mikrobyo ng sore eyes.

Paano Iiwas Sa Sore Eyes?

Ang sore eyes ay nanggagaling sa maduming kapaligiran. Kapag hindi tayo naghugas ng kamay, puwedeng magka-sore eyes. Kapag makipagkamay tayo sa taong may sore eyes at mapunas mo sa iyong mata, siguradong magkaka-sore eyes ka rin.
Madalas ang sore eyes sa mga mag-aaral sa school. Mabilis magkahawahan ang mga bata, kaya huwag munang papasukin sa school. Sa matatanda, huwag din munang magtrabaho sa opisina.

Simple lang ang pag-iwas sa sore eyes.
1. Maghugas palagi ng kamay.
2. Huwag mag-share ng tuwalya at unan.
3. Huwag maligo sa swimming pool habang may sore eyes dahil puwedeng mahawa ang ibang naliligo.
4. Dapat maghugas din pagkatapos gumamit ng banyo. Kung walang tubig, gumamit na lang ng 70% alcohol.

Paano Ginagamot Ang Sore Eyes?
Kadalasan ay kusa namang gumagaling ang sore eyes pagkaraan ng 1 o 2 linggo. Posible na mapapabilis ang paggaling sa pagpatak ng mga anti-bacterial eye drops (kapag bacteria and dahilan ng sore eyes, maraming muta). May kamahalan lang ang mga eye drops na ito.
Maghilamos muna ng mukha at mata. Pagkatapos, ipatak ang Eye Drops sa bawat mata, 3 beses sa maghapon. Gawin ito ng 1 linggo hanggang gumaling.
At siyempre, kumonsulta muna sa inyong doktor o ophthalmologist.



Please share if you care..