Success isn't about how much money you make. It's about the difference you make in people's lives.

Wednesday, August 19, 2015

On Wednesday, August 19, 2015 by Kuya Sid in , , ,
Ang desisyon na pasukin ang pagnenegosyo ay
pinaghahandaan, hindi basta sinusunggaban.


Kahit maganda ang oportunidad, kung hindi ka naman handa, ay para kang nagpakamatay kung papatusin mo agad-agad.

Kung nagtatrabahao ka ngayon at sa palagay mo ay talagang gusto mong magnegosyo balang araw, huwag kang masyadong mainip sumugod. Payo ng mga pabalik na sa byahe (sa atin na mga papunta pa lang) maraming pwedeng magawa ngayon pa lang, habang nagtatrabaho pa, bilang paghahanda sa iyong kinabukasan sa mundo ng negosyo...


ANG KARANASAN AY PUHUNAN, IPUNIN MO 
Huwag kang mngarap ng gising sa oras ng trabahao, pwede mong gamitin yan para makapag-ipon ng karanasan na pwede mong magamit sa pagnenegosyo. Magtrabaho ka para sa sarili mo habang ginagawa mo rin ito bilang tugon sa tawag ng trabaho. Kung may tauhan kang minamando, pakahusayan mo ang pakikitungo dahil praktis mo na yan kapag ikaw ay may sariling tauhan na rin na siniswelduhan. Kung may problema kang na diskubre o trabaho na interesante sayo, mag-volunteer kang gawing ito dahil karagdagang karanasan ito sayo. Huwag kang magtaka kung ma “very good” ka ng boss palagi dahil sa iyong masigasig na pagtatrabaho. Baka nga ma-promote ka pa, at magkaroon ng mas maraming karanasan!


MAGPALIPAT-LIPAT NG TRABAHO 
Kung trabaho mo ngayon ay walang relasyon sa partikular na negosyong gusto mong pasukin ay makabubuting magpalipat ka ng posisyon o departamento o kaya’y lumipat sa ibang kumpanya na gayon ang iyong matututunan. Kung may oras ka, wede mo ring idaos ang pangangalap ng karanasan sa pamamagitan ng freelance na trabaho sa iba. Makabubuti ring planuhin mo na kung saan ka magpapalipat-lipat ng trabaho. Sa ganitong paraan ay magiging napakalawak hindi lamang ang iyong kaalaman kungdi pati ng mga contacts mo. (Isang bonus ng ganitong diskarte ay, dahil sa lawak ng iyong kaalaman, magiging mataas ang pagtingin sayo ng employer. Kada lipat mo ng trabaho at kumpanya, mas mabilis tumaas ang iyong posisyon at sweldo kumpara sa nanatili ka ng buong buhay mo sa isang kumpanya.)     


BUMUO NG KAKAIBANG KAALAMAN 
Bawat bagong boss, kumpanya, at industrya na papasukin mo ay may bagong maituturo sa’yo, kailangan lang matalas kang makinig at mag-obserba. Kung sisinupin mo, makabubuo ka ng kakaibang kalaman kapag pinag-kumbina ang lahat ng mga iyan at ilatag mo sa sarili mong pamamaraan ng pagka-unawa, at paraan ng pag-gawa. Ang tawag ng iba ditto sa ingles ay “specialized knowledge” na sariling iyo. Ito mismo ang kapital na iniipon mo, na magiging matibay n pundasyon hindi lang ng iyong negosyo sa hinaharap, kungdi ng sarili mo bilang negosyante. May iba pa nga na sumisikat at yumayaman sa pagtuturo ng kanilang “specialized knowledge”.


KAPAG READY KA NA, SIGE... SUNGGAB!
Ikaw lang ang makapagsasabi kung ready ka na. Minsan makatutulong mag eksperimento muna sa maliit na negosyo. Pwede ring part-time negosyo lang sa umpisa ng iyong eksperimento. Pero minsan, ang hirap pakawalan ng malaking oportunidad na nadiskubre mo, na sa paniwala mo ay ikaw ang una. At tandaan mo rin na kapag talagang malaki ang tsansang umarangkada ang isang ideya, hindi sapat na part-time lang. Ready man o hindi, sarili mo ang desisyon at diskarte kung susunggaban mo na o hindi. Habang mas preparado ka sa karanasan at kaalaman, mas magiging tama ang desisyon at timing mo. Syemre, walang siguradong panalo sa negosyo. Pero ano’t-ano pa man ang mangyari, kahit sukdulang malugi ka pa, lahat para sa’yo ay puhunan ng kaalaman para sa iyong kinabukasan sa negosyo.   


source:negodiskarte