Success isn't about how much money you make. It's about the difference you make in people's lives.

Monday, April 4, 2016

On Monday, April 04, 2016 by Kuya Sid in ,    No comments



A photo of Gloc-9’s performance during the proclamation rally last March 28 of Makati Second District Representative Abigail Binay, who’s running for mayor, reaped criticism from the netizens. Many believed that it is an indication of Gloc-9 endorsing the Binays.




Gloc-9 Response to Netizens:
Pinag sabihan po ako ng aking managment na huwag nang mag salita tungkol dito pero di ko po kaya.
Nais ko pong malaman ng lahat na nababasa ko ang mga saloobin ninyo at nirerespeto ko ito kahit na minsan masasakit na ang mga salitang kasama nito. Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nag sasabing hindi pwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO.
Hindi po ito hobby na naging trabaho ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanap buhay ko.
Ako ay kumakanta sa entablado ng ibat ibang kandidato marahil ay hindi nyo lang gusto ang isang entabladong sinampahan ko. Katulad ng lahat may kanya kanyang dungis na ibinabato sa bawat isa sa kanila gayon paman I wish all the candidates good luck sa darating na elections at naway ang mapipili ay tunay na mag sisilbi at tamang mamumuno sa bayan natin.
At sa may mga sama ng loob kung sakaling ang lahat po ng bintang duro at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay hihingi po ako ng tawad ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehemplo at higit sa aking pagiging mamamayan ako po ay isang Ama. Hihingi ako ng tawad sa aking mga anak dahil naniniwala ako na sa kanila lamang ako may pananagutan.

Salamat po. Gloc-9
source: click here




The day after Gloc-9 posted his message to everyone, a former fan of him wrote a letter or poem of resentment after reading Gloc-9’s explanation on Facebook.
She said,
Para kay gloc-9:
Gloc hindi ako nagtatagalog sa tula. Mas sanay sa Ingles ang bata kong dila.
Pero susubukan ko, tutal Tagalog naman ang wika ng mga bida sa mga kwentong iyong kinakanta.
Gloc hindi ako mahilig sa rap, pero sinubaybayan kita
Akala ko nung hayskul pangkanto lang ‘tong ganitong genre.
Pero nung nakita kita sa entablado ng paaralan kong nag-singkwenta,
Gloc, pinakinggan kita
Ta’s nung tumula ka tumulo ang luha sa aking mga mata.
Napamura ako.
Shet.
Tangina.
Ang ganda.
Gloc pinakinggan kita.
Dinibdib ko ang mga kwento mo. Inintindi ang mga patama
Sa Upuan muna. Tapos iniyakan ko sina Magdalena at yung Sirena.
Tapos ang talino nung pagkasulat mo dun sa Siga.
Tapos nung sinalaysay mo yung kwento ni Asiong Salonga
Sabi ko “Shet.
May punto siya.”
Gloc, alam mo bang nanggising ka?
Alam mo ba kung ilan ngayon sa iyong mga kanta
Ang theme song naming pilit inaayos yung sistema na sanhi ng trahedya ng iyong mga bida?
Alam mo Gloc?
Sayang ka.
Sayang kasi PUTANG INA ANG GANDA SANA.
ANG GANDA NG MENSAHE NUNG MGA KANTA.
Sayang kasi bakit ka kumanta sa baluarte ng taong papasisirin pa yung sirena?
Isip ko: konting ginto lang nasilaw ka na? Anyare na sa “Dapat tama”?
Nganga.
Pinagpalit ang dangal sa konting dagdag sa hapag mamaya? NABUSOG KA SANA KASI TANGINA TALAGA.
Pero pinagsabihan ko ang sarili ko na kumalma.
Sabi ko “Baka di niya lang alam yung Balita.”
Sabi ko sa sarili ko lawakan ang pag-unawa. Sabi ko hintayin na magpaliwanag ka.
Tapos nagpaliwanag ka.
Tang ina.
“Trabaho lang” pala?
“Trabaho lang” pala yung kwento ni Magdalena.
“Trabaho lang” pala yung malasakit mo sa Sirena.
“Trabaho lang” pala yung damdaming nasyonalista.
PUNYETA.
PUNYETA PUNYETA PUNYETA.
Matapos ang lahat, HANGGANG DOON LANG PALA?!
Gloc sayang na nga na di mo pinanindigan yung mga pinaglalaban mo sa kanta.
Tapos dinamay mo pa yung mga bata.
Nagpatutsada ka pa tungkol sa pagiging ama, sa responsibilidad mo sa kanila.
Gloc? Pinanuod mo ba yung Heneral Luna?
Kasi akala ko si Joven ka, bandang huli Buencamino rin pala.
Magaling ka pa rin tumula Gloc, di yun mawawala.
Kaya magpatuloy ka sa pagkukwento, tutal kailangan mong kumita.
Pero wag mong asahan na seseryosohin ang mga bayanihing wika ng isang bayarang artista.
Nawalan ka na ng karapatan sa hashtag na ‪#‎MakabayangMakata‬
Dahil nang inabot sa iyo ang tanong ni Luna, “BAYAN O SARILI? PUMILI KA!”
Gloc, mukhang nakapili ka na.

source: click here




0 comments:

Post a Comment