Monday, April 4, 2016
Ang pananakit ng ulo (headache omigraine) ay isang uri ng sakit na may iba’t ibang sanhi. Maaari ka nitong pigilan na gawin ang iyong trabaho o mga pang-araw araw na gawain o kaya’y masiyahan sa buhay dahil magiging mayayamutin ka o irritable. Ang pananakit ay maaaring bahagya lamang o matinding kirot, at tumitibok-tibok o pumupukpok at walang hinto. Ang iba ay pansamantala, at ang iba naman ay pangmatagalan at pabalik-balik. Anumang uri ng pananakit ng ulo ay nangangailangan ng kaukulang paggamot.
Mga uri ng pananakit ng ulo:
i) Migraines.
Ito ay matindi at paulit-ulit na sakit ng ulo at malimit ay may kasamang pagkahilo, panlalabo ng paningin, pagkabingi at pagsusuka. Ang labis na pananakit ng ulo ay maaaring nasa isang panig lamang ng ulo.
ii) Pananakit ng ulo sanhi ng suliranin sa panunaw.
Karaniwan itong may kasamang sakit sa tiyan, bato at apdo. Minsan sinasabing may kaugnayan ang pananakit sa sobrang pag-inom ng alcohol at pagiging sensitibo sa pagkain.
Karaniwan itong may kasamang sakit sa tiyan, bato at apdo. Minsan sinasabing may kaugnayan ang pananakit sa sobrang pag-inom ng alcohol at pagiging sensitibo sa pagkain.
iii) Pananakit ng ulo sanhi ng pagkapagod.
Ang kirot ay nagsisimula sa leeg paakyat sa bungo.
Ang kirot ay nagsisimula sa leeg paakyat sa bungo.
iv) Pananakit ng ulo sanhi ng pag-aalala.
Ang pag-urong ng kalamnan ay nagiging sanhi ng katamtamang pananakit ng ulo mula leeg hanggang noo.
Ang pag-urong ng kalamnan ay nagiging sanhi ng katamtamang pananakit ng ulo mula leeg hanggang noo.
v) Pananakit ng ulo sanhi ng pamamaga ng sinus, lalo na ng bungo o ng bao ng ulo. ang pamamaga ng mga lining ng isa sa walong sinus cavities ay maaaring maging dahilan ng malalim at matagalang pananakit sa palibot ng mga mata, ilong at ulo.
vi) Pananakit ng ulo sanhi ng pagkabahala o pagkabalisa. Ang kirot ay gumuguhit sa noo.
Mga sanhi ng pananakit ng ulo ay ang mga sumusunod:
Pagbabara ng daluyan ng dugo at pagbabago ng daloy ng dugo o hangin sa utak; mga namamanang abnormalidad, gaya ng problema sa hormone ng katawan; mataas na presyon na naramdaman sa likod ng batok; maling postura ng katawan; labis na pagod; labis na pagkalungkot; pag-aalala at pagkabahala; baradong ilong dahil sa sipon; allergy; pagkalango sa alak; sobrang paninigarilyo; maling paggamit ng gamot; bago at habang nagreregla (para sa mga babae); pagpapalit o pagbabago-bago ng klima; labis na pag-iisip; mataas na lagnat; puyat; hindi balanseng pagkain; istrok o alta-presyon; at tumor sa utak.
Sa pangkalahatan kinakailangang kumonsulta sa doktor kapag may hindi maipaliwanag na pagbabago sa pangangatawan at dumadalas ang pagsakit ng ulo. Kahit na hindi malala ang pananakit ng ulo, makabubuti pa ring sumangguni sa espesyalista kapag naramdaman ang mga sumusunod:
i) matindi ang sakit ng ulo at dumarating ito nang walang anumang babala;
ii) may kasamang pagkalito, panlalabo ng paningin, bahagyang pagkaparalisa, pagkawala ng malay-tao, at iba pang karamdamang may kinalaman sa utak;
iii) nilalagnat at naninigas ang leeg o kaya ay nahihirapang pihitin ang ulo nang pakaliwa o pakanan;
iv) nagiging madalas ang pagsakit ng ulo at higit itong matindi kaysa dati o kaya ay nagiging paulit-ulit ito nang wala namang nakikitang dahilan; at
v) naaalimpungatan tuwing gabi dahil sa pananakit ng ulo.
Ang mga sumusunod ay pagsusuri para malaman ang dahilan ng pananakit ng ulo: pagsusuri sa dugo gaya ng glucose, CBC, C-reactive protein, Erythrocyte sedimentation rate (ESR) para malaman kung mayroong pamamaga sa sistemang nerbiyos; cervical spine at facial x-rays; CT scans o MRI para makita kung may pagdurugo, stroke o tumor; at lumbar puncture (spinal tap) para malaman kung mayroong ebidensiya ng impeksiyon, pagdurugo o meningitis. (GABAY KALUSUGAN handog ng FNA-ROME)
source: http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-pananakit-ng-ulo.html
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment