Success isn't about how much money you make. It's about the difference you make in people's lives.

Tuesday, April 5, 2016

On Tuesday, April 05, 2016 by Kuya Sid in , ,    No comments



Nanawagan ang komunidad ng University of the Philippines (UP) - Diliman at University of the East (UE) na huwag mawalan ng loob at bumangon matapos lamunin ng apoy ang ilang gusali sa kanilang mga unibersidad.

Sa gitna ng matinding panlulumo, isang mahabang pasasalamat ang inihayag ng UE matapos matupok ang tatlong gusali sa Manila campus nito noong Sabado.

Pinasalamatan ng unibersidad ang mga estudyante nito, guro at alumni at lahat ng mga nakisimpatya sa pangyayari.

Tumanaw rin sila ng utang ng loob sa Bureau of Fire Protection (BFP) at mga boluntaryong tumulong sa pag-apula ng apoy.

Sa pagtataya ng BFP-Metro Manila, nasa P100 milyon ang halaga ng mga natupok na gamit at pasilidad.

Iaakyat na sa national level ng kawanihan ang imbestigasyon ukol sa sunog.

Idinaan din ng komunidad ng UE sa social media ang pagkakaisa nito sa harap ng pagsubok.

Nitong Linggo ng gabi, halos 20,000 ang gumamit ng "twibbon" kung saan maaaring ilagay ang hashtag na #BangonUE sa mga litrato sa Twitter o Facebook.

Samantala, inilunsad naman sa UP ang programang "Bangon" para sa mga kolehiyong naapektuhan ng sunog na tumama sa Faculty Center (FC) noong Huwebes.

Dumalo sa isang misa sa ng harap mismo ng nasunog na gusali ang mga guro, estudyante at alumni ng unibersidad.

Itinuturing ng komunidad na hindi matatawaran ang halaga ng mga dokumento, research at obrang naabo sa FC building.

Sa gitna ng pagluluksa, nanawagan ang komunidad ng UP ng pabangon. Bukas din sila sa anumang tulong.



-Umagang Kay Ganda, 4 Abril 2016
source: news.abs-cbn.com/video/nation/metro-manila/04/04/16/komunidad-ng-ue-at-up-nagkaisa-sa-pagbangon-mula-sa-sunog





0 comments:

Post a Comment