Friday, September 4, 2015
- Palagiang linisin ang fluorescent tube. Ang dumi o alikabok ay nakakabawas ng liwanag hanggang 50 porsiyento.
- Hangga't maari gumamit ng fluorescent Lamp o Compact flourescent (CFL).
- Palitan agad ang fluorescent tube o starter kung malapit nang mapundi.
- Sa pagbili ng refrigerator , hanapin ang Energy Effeciency Factor(EEF) label na nakadikit sa unit .
- Mas mataas ang EEF,mas mahusay at mas matipid sa konsumo ng kuryente. Huwag hayaang kumapal ng labis ¼ pulgada ang yellow sa freezer.
- Panatalihing malinis at walang sira ang gasket at panatilihing malinis ang paligid ng condenser.
- Kung bibili ng Air-conditioner, piliin ang modelo na my mataas na energy Efficiency ratio (EER)na makikita sa yellow label na nakadikit sa unit.
- Mas mataas na EER, mas mahusay at matipid sa kuryente.itama ang air kapasidad ng aircon sa laki ng kuwarto na palalamigin.Panatilihing malinis ang air filter ng aircon.
- Huwag hayaang lumabas ang lamig o pumasok ang mainit na hangin sa kwartong air-conditioned.
- Magkakaroon ng takdang araw sa isang linggo kung saan gagawin ang minsan ang pamamalantsa.
- Mainam gawin ang pamamalantsa sa umaga kung kailan malamig ang panahon at maliwanag.
- Unahing plantsahin ang makapal at Mabigat na damit at ihuli ang maninipis upang ang natitrang init ng plantsa, matapos alisin sa saksakan,ay lubos na magamit.
- Kung bibili ng gas range o oven,piliin ang Automatic (electronic ) ignition System .
- Makakatipid sa gas ng mga 40 porsiyento at 50 porsiyento sa top burners.
- Mas makakatipid kung gagamitin nating panggatong sa pagluluto ay liquified Petroleum Gas o LPG kaysa sa Kuryete .
- Magkakaroon ng Sistema sa pagluluto.
- I-off ang TV kung walang nanonood at at tanggalin sa saksakan kung gumagamit ng transformer.
- Huwag pabayaan ang TV sa stand-by mode dahil ito ay kumukonsumo din ng karagdagamn kuryente .
- Tandaan na ang sabay-sabay na paggamit ng maraming TV ay dagdag sa konsumo ng kuryente.
- Magkakaroon ng Sistema sa panonood.
- Kung Kinakaylangan ang hangin sa isang direksyon lang , I-lock ang oscillator kung saan kailangan ang hangin .
- Panatilihing malinis at libre sa dumi at alikabok upang hindi ito madaling masira.
Gusto mo bang mas lalo pang bumaba ang kuryente mo buwan-buwan?
Gusto mo bang mas makakatipid pa ng hanggang 30%?
Kung ikaw ay interesado, bisitahin mo itong page www.kuryentetips.blogspot.com para sa karagdagang impormasyon.